Magandang Mayon

Noong unang panahon, sa kaharian ng Albay ay may isang makapangyarihang Rajah. Siya ay may anak na kaakit-akit na ang palayaw ay Daragang Magayon na ang kahuluga'y "Magandang Dalaga."

Maraming naakit sa kanyang taglay na kagandahan kaya di mabilang na mga datu at mga ginoong tanyag ang nag-alay sa kanya ng pagmamahal. Ang isa sa mga nanligaw ay si Kauen, anak ng mayamang Rajah sa kanugnog na kaharian. Naghandog ng mahahalagang hiyas at ginto ang binata subalit tumanggi sa regalo ang dalaga. Si Kauen ay nabigo subalit nagyabang pa na ang dalaga ay magiging kanya pagdating ngaraw.

Mula sa malayong Katagalugan narinig ni Gat Malaya ang nabalitang kagandahan ni Daragang Mayon. Marami siyang mga pagkakataong makaniig ang paraluman subalit nagkaroon ng mga sagabal. Minsan, malapit sa munting ilog, nakita ang dalagang namimitas ng bulaklak. Kinamaya-maya'y ang binibini'y nagtampisaw sa batis. Ang binata'y nagparinig ng himig ng masayang awit upang matawag ang kanyang pansin. Nagkatitigan sila at ang binata'y nginitian.

Nabuhayan ng loob ang Prinsipeng Tagalog at ito'y nagsalita, "Magandang Mutya, mula ako sa malayo upang ikaw ay sadyain at makita ang tangi mong kariktan."

"Sino ka? Hindi kita kilala! Isa kang pangahas!"

"Ako'y si Gat Malaya, galing sa kahariang malapit dito. Bigyan mo ako ng isang bulaklak at ako'y masisiyahan na!"

Bantulot na inihagis ng dalaga ang bulaklak. Dumapo sa mga palad ng binata at ito'y kagyat na idinampi sa kaliwang dibdib.

"Maaari bang kita'y makitang muli?"

At nagsimula ang maraming tipanan ng dalawa sa makasaysayang batis.

Isang araw, mungkahi ng lalaki, "Kita'y iniibig. Tayo'y pakasal!"

"Ngunit ang Rajah? -ang aking ama?" may alinlangang sagot. "Dapat niyang malaman!"

"Huwag kang mag-alaala! Hihingin ko ang kamay mo sa kanya!" Pumayag ang Rajah. Ang batang prinsipe ay kanyang nagustuhan pagkat magalang at mababang-loob. Itinakda ng Rajah ang kasal sa pagbibilog ng buwan, matapos ang anihan.

Nagpaalam si Gat Malaya upang ipabatid sa kanyang mga magulang ang itinakdang kasalan. Kakaunin niya ang ama't ina at silang tatlo ay babalik sa Albay.

Nabalitaan ni Kauen, ang nabigong manliligaw ni Magayon ang napabalitang pag-iisang-dibdib. Kanyang sinamantala ang pagkakataong wala si Gat Malaya. Pinuntahan niya si Daragang Magayon.

Matigas ang pagtanggi ng dalaga sa kabila ng mga pagbabala, "Kung hindi kita makamtan, walang magkakamit sa iyo sinuman!"

Ang prinsesa ay natakot dahil sa pagbabala sa buhay niya at sa kanyang ama. Siya'y sumagot, "Ako'y magiging iyo kung si Gat Malaya ay hindi bumalik!"

Nagtumulin ang mga araw at mga linggo. Malapit na ang tag-ani ngunit walapa si Gat Malaya. Hindi pa siya nagbabalik. Gabi-gabi ang dalaga'y nakaupo sa durungawan at naghihintay.

Nang dumating ang kabilugan ng buwan napi litan nang pakasal si Daraga kay Kauen. Nagkaroon ng maringal na handaan - kainan at sayawan.

Sa gitna ng kasayahan dumating si Gat Malaya, kasama ang mga magulang.

"Ako'y naparito upang angkinin ang aking nobya!" sabi ni Malaya.

"Hindi maaari!" tugon ni Kauen.

Nagkaroon ng sukatan ng lakas. Magugunita na si Malaya ay subok sa espada subalit si Kauen naman ay madaya at mapaglalang.

Nang inihagis ni Kauen ang kanyang sibat, si Daragang Mayon ay tumakbo upang pumagitna at sawayin ang dalawa. Sa kasamaang-palad, ang sibat ay tumama sa dibdib ng dalaga. Niyakap ni Malaya ito ngunit pataksil na sinibat ng katunggali. Kapwa nalagutan ng hininga ang magsing-irog.

Nagluksa ang Rajah at ang buong palasyo. Ipinag-utos niya na ang dalawa'y ilagak na magkasama sa isang hukay.

Lumipas ang mga araw. Himala ng mga himala! Ang lupa sa puntod ng libing ay tumaas hanggang sa ito'y maging bundok. Napakaganda at perfect cone! Tinawag itong bundok Mayon, bilang alaala kay Daragang Magayon.

This website is dedicated to all Filipino people who love their country, the Philippines.

The purpose of this website is to help all Filipinos, most importantly the Filipino students in their upbringing, not just in their studies in schools, but also during their leisurely time online. Who said fun is all about playing games?

Currently, we have articles about Filipino folklore including short stories, fables, parables, myths, and legends. Biographies of Filipino national heroes and other famous people in Philippine history that are written both in Tagalog and English are also available.

Soon to include information about Filipino games here in the Philippines, from the old traditional games that children used to play, to the most latest online games now being played at their very own homes or in an Internet Cafe such as Level Up's games Ragnarok and Crazy Kart, e-Games' Ran Online....