Umaga Na Naman

Ako'y inaantok pagkamulat ng mga mata
Bagong araw na naman ang magsisimula
Tilaok ng manok, aking naririnig
Parang ginigising ang mga batang antukin.

Hilamos ng mukha o kaya'y paligo ng katawan
Sisipilyo ng ngipin, mabilis na pagkain
Pagbibihis ng pamasok, paghihintay sa "bus"
Ako'y nananalanging pasuka'y matapos.

Sa paaralan, aralin ay nakababagot
Tanging "recess" lang ang di-nakaantok
Pagkatapos ay tanghalian, laruan na naman
Sulat dito, gawa doon,
Habulan, tilian, tuksuhang, taguan.

Pagdating ng dapit-hapon
Ako'y nalulungkot
Isang araw na naman ang magtatapos
Sana, wika ko, araw ay huwag nang kumilos.

Sa aking pag-idlip sa dilim ng aking silid
Dalangin ko'y matapos kaagad ang mahabang gabi
Upang sa muling pagmulat ng aking mga mata
Umaga na naman, araw ay nag-aanyaya
Bagong pakikipagsapalaran sa kinabukasan.

This website is dedicated to all Filipino people who love their country, the Philippines.

The purpose of this website is to help all Filipinos, most importantly the Filipino students in their upbringing, not just in their studies in schools, but also during their leisurely time online. Who said fun is all about playing games?

Currently, we have articles about Filipino folklore including short stories, fables, parables, myths, and legends. Biographies of Filipino national heroes and other famous people in Philippine history that are written both in Tagalog and English are also available.

Soon to include information about Filipino games here in the Philippines, from the old traditional games that children used to play, to the most latest online games now being played at their very own homes or in an Internet Cafe such as Level Up's games Ragnarok and Crazy Kart, e-Games' Ran Online....