Nangyari ito noong unang panahon bago pa lamang sinakop ng mga Kastila and ating bayan. Dahil sa bagong salta pa lamang ang mga dayuhan, at hindi nila kabisado ang sulok-sulok ng mga bayan, inutusan ng gobernadorsilyo ang kanyang limang sundalo na mamasyal at magmasid sa baryo at pag-aralan ang maraming bagay na matatagpuan sa ating bayan. Sa kanilang paglalakad nakakita sila sa gitna ng maluwang at patag na bukirin ng mga magsasaka na may binubunot na kung anong halaman. Nilapitan nila ang magsasaka at nakita ang halaman na mapuputi at medyo bilog na mga laman.. Humingi ang mga sundalo sa magsasaka ng tubig ngunit hindi sila maintindihan ng mga ito. Lumapit ang mga kawal at sinabing "Uhaw na uhaw na kami at nagugutom puwede nyo ba kaming bigyan niyan." Sabay turo sa halamang hawak ng magsasaka, ngunit hindi pa rin nila maunawaan ang salita nito.
"Alam ko na!" ang sabi ng isang magsasaka. "Nanghihingi sila ng ating ani." At saka inabot sa kawal ang isang malaking laman. Tinalupan niya ito at ibinigay sa kawal na Kastila. Pagka-ubos ng isa ay nasarapan ang kawal sabay sabi ng "Cinco mas!" na ang ibig sabihin ay "lima pa". "Singkamas pala ang tawag dito." Binigyang muli ng mga magsasaka ang kawal. "Si cinco mas" tugon muli ng nakangiting kawal at nagpasalamat ang mga sundalo.
Pagkaalis ng limang sundalo ay tinikman ng mga magsasaka ang dati'y hindi nila kinakain na halaman. "Malamig pala at makatas!" ang halo magkapanabay na wika nila. "Mainam na pamatid uhaw! And sabad naman ng isa. Kumain sila ng marami hanggang sa mawala ang uhaw nila. Pag-uwi ay pinagbigay alam nila sa kanilang kababaryo ang lahat ng pangyayari. Mula noon ang laman ng makatas, maputi at manamis namis na halaman at tinawag na nilang SINGKAMAS, hango sa mga salitang "CINCO MAS".