Noong unang panahon, tinawag ng hari ng mga hayop ang lahat ng kanyang kampon para malaman niya ang kayang gawin ng bawa't isa.
Dumating sila at lahat ay nagnanais na ipaalam sa hari na sila ay may higit na kakayahan kaysa iba.
Sabi ng kalabaw, "Ako ang pinakamalakas sa lahat dahil nakahihila ako ng mabibigat na dala-dalahan."
Sabi ng bubuyog, "Nakagagawa ako ng pinakamatamis na pulut-pukyutan."
Wika naman ng usa, "Walang makatatalo sa bilis kong tumakbo."
Sabi ng aso, "Binabantayan ko gabi't araw ang bahay ng aking amo."
At nagturing din ang pusa, "Ang dagang kumakain ng palay ng amo ko ay aking nililipol."
Ang manok ay nagtanong, "Kaya ba ninyong umitlog? Pang-almusal ng tao'y araw-araw kong ibinibigay."
Tumingin ang hari sa ibon. "Hindi ka nagsasalita, munting ibon. Ano ang kaya mong gawin?"
"Umaawit po ako," sabi ng ibon, "para sila'y maging masaya habang sila'y may ginagawa."