Alamat ang tawag sa pasalitang literatura na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming bagay-bagay sa ating kapaligiran.
Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay Bathala, sa kalikasan, sa kultura, at sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman.
Ang alamat ay isang bahagi ng malawak na kwentong bayan. Lalong nagkakahugis ang mga ideya ng kapaligiran kung may mga ganitong pasalitang literatura na naisusulat at naikukuwento sa mga kabataan.
Sinasabi na bukod sa nakaaaliw ito sa mga mambabasa ay nakapagtuturo rin ito ng aral upang makamit natin ang kabuuang kaunlaran.
May kasabihan tayong, "Ituro mo sa akin ang bansang may mayamang alamat at ituturo ko sa iyo ang bansang may kulturang ganap."
Sa kahalagahan ng mga ito sa kabuhayang pambansa, marami na ring naisulat na mga pag-aaral tungkol dito. Maisasama sa listahan ang mga sumusunod: Origin of Myths Among The Mountain People ni Otley Beyer, 1913; Filipino Popular Tales ni Dean Fansler, 1921; Philippine Folktales ni Mabel Cook Cole, 1916; The Origin of Earth and of Man ni Arturo Arcilla, 1923; Mga Alamat ng Pilipinas ni Sofronio Calderon, 1947; A Collection of Igorot Legends, 1955; Philippine Tales and Fables ni Manuel at Lydia Arguilla, 1957; Isang Pagsusuri at Pagpapahalaga Sa Mga Alamat At Kuwento ng Nueva Ecija, 1967; Legends from Mindanao ni Dr. Corazon Martin Roquero, 1976; Tinuray Tales ni Fernando C. Trecero, 1977; Maranao Folk Literature ni Victoria Adeva, 1978; at The Myths ni Damiana Eugenio, 1993.
Malayo pa ang mararating ng pasalitang literatura lalo na ang paghabi ng mga alamat. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik ay maaaring madagdagan pa ang kabang yaman ng ating literatura.
The Draft Treaty for the Protection of Expressions of Folklore Against Illicit Exploitation and Other Prejudicial Actions approved by the WIPO and UNESCO in 1982 provides guidelines to protect the rights of those individuals who inform, collect, and archive folklore in order to guarantee the responsible use of folklore. The author hopes that visitors will maintain a high regard for such rights when viewing and transmitting the contents of this website.
This page was last updated on August 13, 2017.