Noong unang panahon, ang bunga ng lansones ay hindi pinapansin ng mga taga-Laguna. Hag sila sa bunga ng lansones dahil may isang matandang pulubi na bumula ang bibig matapos kumain nito.
Lumipas ang maraming taon. Patuloy pa ring nalalaglag ang bunga ng lansones nang hindi pinapansin ng mga tao.
Isang araw, may nakakita sa isang magandang diwata sa ilalirn ng puno ng lansones. Walang sihumang nakakakilala sa magandang diwata. Naibalita sa buong bayan ang tungkol sa diwata. Sinubaybayan ng mga tao ang kilos ng mahiwagang babae.
Nakita nila nang pumitas ito ng bungang lansones at kumain nang kumain. Natakot ang mga taong nakakita sa pangyayari. Nag-alala sila na baka mangyari rin sa diwata ang nangyari sa matandang pulubi.
Lumipas ang maraming araw. Walang masamang nangyayari sa diwata. Inisip ng mga tao na may ginawa ang diwata sa bunga ng lansones. Pumitas sila ng bunga at napansin nila na may kurot ang lansones. Walang kurot ang lansones noong una. Sinubok nilang kumain nito. Masarap at matamis ang lansones. Inisip nila na ang diwata ay isang birhen na nag-alis ng lason sa bunga sa pamamagitan ng kurot nito. Mula noon, kinakain na ang lansones.