"Noon pang kauna-unahang panahon ang mga tao sa Bulubundukin ay may mga kaya sa buhay. Dahil sa kanilang kasaganaan nakalimot tuloy sa Diyos. Si Kabunian ay nagaiit kaya pinamsahan ang mga mamamayan. Umulan nang walang patid kaya nagkaroon ng malaking baha. Tumaas nang tumaas ang tubig hanggang sa walang nakikita sa paligid liban sa mga bundok ng Pulog at ng Anuyao. Ang lahat ng may buhay ay nangalunod. Namatay ang lahat ng tao at nakaligtas lamang ay si Wigan at si Bugan na magkapatid. Sila'y nakaligtas sa malagim na kamatayan sapagka't si Wigan ay nagpunta sa bundok ng Pulog at si Bugan nama'y sa bundok ng Anuyao. Nais magluto ni Wigan subali't walang apoy. Kanyang natanaw na may liwanag na nagmumula sa bundok ng Anuyao. Kahit di pa gasinong kumakati ang baha, kanyang nilangoy ang bundok. Siya'y tinanggap ni Bugan nang buong kasiyahan.
Nang sumunod na araw humupa nang patuluyan ang baha kaya ang dalawa'y lumusong sa bundok ng Anuyao. Sapagka't napag-alaman nila na walang natira sa kanilang tribo, para magpatuloy ang buhay, sila'y nagsama bilang mag-asawa. Nagkaanak sila ng dalawa: si Duntungan at si Inhabian. Ang dalawang ito'y nag-isang dibdib, pati ang kanilang mga anak ay nagpangasawahan din kaya hindi nagtagal at dumami ang tao.
Lumipas ang mga taon. Isang araw si Kabagan, isa sa mga apo ni Duntungan ay nagtanim ng palay sa banlikan. Ang Dakilang Diyos ay nagpakita sa kanya at nagsalita, "Kilala kitang mabuting tao. Dapat gantimpalaan kita sa iyong trabaho. Kung susundin mo ang aking mga tagubilin, kakasihan ka ng mga diyos."
"Anong gusto mong gawin ko, Kabunian?"
Ang Dakilang Diyos ay sumagot, "Sabihin mo sa mga tao na gumawa ng kanyaw araw at gabi nang tatlong araw na singkad upang ako'y ipagbunyi. Kung ako'y masiyahan, uunlad ang iyong tribo."
Ipinagbigay-alam ni Kabagan sa ulo ng tribo ang kanyang narinig.
Nagsimula ang paghahanda hanggang sa matupad ang nasabing scrcmonya kay Kabunian.
Kinabukasan, si Kabagan ay nagpunta sa kanyang taniman ng palay. Samantalang nagtatrabaho, napakita uli sa kanya si Kabunian. Siya'y nagsalita "Mabuti, Anak. Ako'y nasiyahan sa iyong parangal. Makinig ka. Ito ang aking gantimpala. Kita'y bibigyan ng ilang supling ng palay na kung tawagi'y inbagar. Kinuha ko ito sa mahiwagang batis. Itanim mo ito sa iyong tumana. Ang tumana sa lahat ng oras ay dapat laging puno ng tubig. Magtayo ka ng dike sa paligid ng iyong taniman.Ang malapot na putik at mga balumbuhay na yaon," tuloy turo sa duminding, "ay kaloob ng Diyos. Hale, sundin mo ang aking tagubilin at umasa kang ang mga teres ay makikipagtagalan sa panahon."
"Salamat po, Diyos ko," ang sagot ni Kabagan nang buong pakumbaba.
Nagsimulang magtayo ng dike si Kabagan. Kanyang itinayo ang mga baiting ng palay ayon sa tagubilin ni Kabunian. Nagsigaya ang mga kapitbahay ni Kabagan. Ang lahat ay tumuiad hanggang sa ang buong Ifugao ay natalikupan ng hagdan-hagdang taniman ng palay na itinayo ng ating mga ninuno, isang obra maestra ng inhenyeriya.