Mga Bugtong Na May Sagot - Page 7
Bugtong #43
Sa yero ay laging nakatanghod
naghihintay ng tubig na ipasasahod.
Bugtong #44
Isang uri ng tahol sa kadiliman
ng asong nagbabadya ng kalagiman.
Bugtong #45
Iyak na pasigaw sa kadiliman
Para bang tahol ni kamatayan.
Bugtong #46
Parang kiti-kiti ang galaw
Maraming paa'y naghahabulan.
Bugtong #47
Haligi ng tahanan
Laging inaasahan
Di siya naglalaba o namamalantsa
Siya ang dapat kumita ng sapat na pera.
Bugtong #48
Tumutubo kahit sa nabubulok na pagkain
Namumuti-muti, nangingitim-ngitim.
Bugtong #49
Pantulong na pera sa namatayan
Simbulo ng pakikipagkaibigan.