Namamasyal noon ang hari sa hardin
Upang bigyang laya ang diwa't panimdim
Walang anu-ano; natawag ang pansin
Ng batong maliit na hamak sa tingin
Bato'y tinitigan at tinisud-tisod
At saka tinanong ang kanya ring loob
Ano kaya itong himala ng Diyos?
Bakit pati ito, sa mundo'y sumipot?
Kung saan-saan na naglakba'y ang isip
Ng haring nawili sa pagkakatitig,
Sa wakas umurong ang taglay na guhit
Ng kanilang palad ay nagkakawangis.
Bato ay maliit, at hamak na hamak,
Siya ay dakila at hari ang tawag,
Nguni't ngayon niya nakuro't natatap
Na ang hari't bato'y pantay rin ang sukat.
Hugis pa nga siya kung pagtutuusin
Ng hamak na batong maliit sa tingin,
Siya'y naglalayag na patungong libing,
Bato'y matitirang bato rin sa hardin...