Ang mabuting bata'y tulad ng halaman;
Sagana sa dilig at sikat ng araw;
Luntian ang dahon, sanga'y malalabay,
Sariwa ang ugat at lubhang matibay.
Kaya't kung sumapit ang pamumulaklak
ay hitik ang sangang papagapagaspas!
At kapag nagbunga'y kagilagilalas,
Maging tao't ibon ay nakakapitas.
Ganyang ang kawangis ng mabuting bata
Sa ama't sa ina'y isang gantimpala:
Isang maginoo sa pagkabinata
Mamamayang dapat gawing halimbawa.
Iya'y lumitaw na sa mga bayani,
Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini,
Kaya't kabataan, sikaping mag-ani
Sa sariling bayan ng dangal at puri.