Ang Mabuting Ina At Anak

INA:
Ikaw sana'y mapanuto,
Magalang sa lahat ng tao;
Upang sa paglaki mo,
Mahal ka ng kahit sino.

ANAK:
Ako, Nanay, ay magalang,
Masunurin sa magulang;
Ang ibig kong matularan
Ay isang batang uliran.

INA:
Ikaw sana'y matulungin,
Sa matanda at bata rin;
At lagi mong iisipin
Ang puri at dangal natin.

ANAK:
Pipilitin ko po, Nanay
Sundin ang inyong pangaral;
Kayo po'y aking huwaran
Na lagi kong paparisan.

See also