Ang masamang anak
ay pinalayas mo, sa matinding galit;
nguni't ang anak mong lumayong sugatan
at kitang-kita mong lumabas ng daa'y
di mo mapaalis sa isip mo't damdam;
lumayo'y bumalik sa unang pag-ibig -
ang pintong bunuksan ay pinto ng langit,
ang nasa dibdib mo sa sikdo ng hapis
ay taong buhay na't paa'y walang putik;
Patawad, ama ko!
Kamay mo'y hinagkan;
patawad nang lahat
at siya'y ikaw rin: mukha, dugo't laman,
at may uwing tanda
ng bagong pag-asa't ng tuwang dumatal.