May isang paruparo na lilipad-lipad
Na bago pa lamang nagkakapakpak;
Sa malaking tuwa dili hamak-hamak
Biglang paiibaba at paiitaas.
Sa malaking galak ng kanyang loob
Sa isang hardin siya ay napapasok;
Ang dinatnan niya'y isang abang uod
Sa usbong ng rosal siyang umuubos.
Pagdaka'y binati nitong paru-paro
"Hoy! hamak na uod, ano ang gawa mo?"
Ang sagot ng uod naman ay ganito:
"Nakikita mo na ay itinatanong mo pa?"
"Ikaw paruparo ay tantong walang-hiya
Walang lingon-likod kung ika'y magwika;
Di muna inisip kung saan ka mula
Bago'y uod ka rin na aking kamukha."
"Wala ka na bang maipagmataas
Kundi ang pakpak mo na kikintab-kintab;
Ang lahat ng tao sa iyo ay nangingilag
Dahil sa bulo mo na nakabubulag."