Dalawang kawayan magkabilang dulo
ay hawak sa kamay ng dal'wa katao;
habang ang rondalya'y natugtog... naritmo,
paggakpak ng tao'y nasaliw sa tono.
Tambal na dalaga't binata'y dalawa,
salitang nalundag sa tugtog at saya;
habang umiindak, dibdib - kumakaba,
baka nga maipit ang apat na paa...
At habang patuloy ang gayong pag-indak,
Puso ng binata'y parang sinisintak...
kanyang alaalang ang pagsintang wagas,
sa biso ng paa'y mabigo't malaglag.
Kay hahabang binti ng sa ibong tikling,
kay gagandang binti ng dilag na anghel.
Kaylan mahantad sa ating piningin,
sa Pambansang Sayaw na ngala'y TINIKLING!