Pagpatak ng ulan sa ibabaw ng lupa
Mga magsasaka'y tuwang-tuwa.
Pagbungkal sa lupa
Na dapat ay basang-basa,
Upang ihanda ito sa pagpupunla.
Mga punungkahoy, halama't hayop
Na tila sa tubig ay dahop na dahop
Kapag ang mga ito'y muling nakahigop,
Sasariwang muli, at di na titiklop.
Mga bata sa lansangan
Alam kong lungkot na lungkot,
Sapagkat sila'y di na makaiikut-ikot
Sa kanilang palaruang
maraming idinudulot
Na minsa'y masaya at
kung minsa'y malungkot.