Bilang isang Pilipino, karangalang mawiwika
Ng tulad ko ang magmahal at gumalang sa bandila;
Kapag ito ay inapi't niyurakan ng banyaga
Ang puso ko'y may kalasag at may talim yaring dila.
Filipinung-pilipino sa matapat na kataga,
Sa isipan at sa puso, sa damdaming makabansa;
Hindi dapat na iwaglit kahit saglit sa gunita
Nang sa dagok ng dayuhan tayo'y laging nakahanda.
Katataga't katapangan ng bayaning namayapa,
Katarungang naging binhi nang matapat
Nararapat pagyamanin, isapuso't isadiwa
Upang itong ating bayan ay pamuling dumakila.
Bansa nating malaon ding nagtiis ng kahirapan,
Sa Lipunang Bago ngayo'y nakilala't nabibihasan,
Pantay-pantay na pagtingin sa dukha man o mayaman
Na sa ati'y inihasik ng Pangulo nitong bayan.