Ang Diyos ay hindi nangako sa atin
Na ang kalangitan ay laging maningning
Na laging may araw at wala nang dilim
O may kasiyahang walang paninimdim.
Ang Diyos sa atin ay hindi nangako
Tukso't paghihirap ay hindi darapo
Di niya sinabing ang lungkot sa puso
Ay hindi darating kung tuwa'y maglaho.
Ang landas ay hindi sinabi ng Diyos
Na laging may rosas at damong malambot
O hindi tatawid sa agos ng ilog
At hindi aakyat sa mabatong bundok.
Ang ipinangako ng Diyos sa tanan
Ay lakas sa tuwina at kapahingahan
Liwanag sa landas, awa't pagmamahal
Biyaya at aliw, wagas, walang hanggan!