Ang mga pag-asang tinukoy ni Rizal
Ay nasa dugo mo't mga karanasan
Naging yamungmong ka ng hiyas at dangal,
Ng isang pag-unlad sa bawat liwayway.
Lahing pinagpala na dapat magsakit
Sa kapwa'y paglingap, sa baya'y pag-ibig;
Sa kapamuhayan nati'y pagtangkilik,
Maglingkod, lumikha, gumawa't manalig.
Sa ano mang kilos at hakbang ng bansa
Iral ka't kabuo, may ambag sa madla;
Ang ugat mo'y sipag, dunong at tiyaga,
Ang bunga'y pagsulong sa buhay-dalita.
Bayaang mag-alay ng puso't pangarap
Ikaw'y Filipino: ito'y Pilipinas;
Yama'y katutubo, ganda'y halimuyak,
Masayang lupaing tubos ng liwanag...