Kundiman

Sa dakong sikatan ng masayang araw
may lupang sagana sa madlang kariktan
na sinisiphayo ng palalong asal...
ay! iyan ang bayan ko, bayang minamahal.

Mawalay sa kanya'y anong laking sakit
salat sa liwanag maging sa pag-ibig
araw ay malamlam, malumbay ang langit
aba kung mamatay na di ka masilip.

Sa baybaying Pasig ang mangga'y masinsin
sanga'y malalaki't sagana sa lilim
sa sariwang dahon araw'y nag-aaliw
na nakalulugod sa matang titingin.

Sa may silanganan ng masayang araw
bayan kong iniirog, puspos ng kariktan,
lugami sa dusa't alipin kung turan
ang makapagligtas kapalad-palaran.

See also