Sa pagsikat ng araw sa dakong silangan
May gintong pag-asa tayong matatanaw
Kung ang lupa'y mayroong biyayang tinatataglay
Sa dagat may gintong tanging kayamanan.
Sa tulong ng lambat at sipag ng bisig
Sa puso ng dagat kami nakahilig
Ang alo't amihan na laging kasama
Ang unos sa laot hindi alintana.
Kaming magdaragat may mithiing magiting
Upang mapaunlad itong bayan natin
Sa buong sambayanan iaalay namin
Ang puso at lakas dugo't buhay namin.
Sa bayang kong mahal, bayang ginigiliw
Magandang simulain tinataglay namin.
Sa bagong panahon iaalay namin
Ang puso at lakas dugo't buhay namin.