Ang mga ulila
Ay kaawa-awa;
Walang ama't ina,
Tila abang-aba.
Wala nang tahanan,
Kundi ang lansangan;
Maruming sako lang
Ang siyang higaan.
Baro'y tagpi-tagpi,
Katawa'y kay dumi;
Sikmura'y mahapdi
Dahil gutom lagi.
Ang mga ulila'y
Tulungan lagi na
Ang mga ama't ina'y
Dapat mabalisa.