Sampaguita

Mabangong bulaklak ng buhay,
Sa hardin ng mutya kong bayan;
Bulaklak na puti't dalisay
Na sa puso'y patnubay.

Bango mo'y walang kapara,
Kadluan ng tuwa't ligaya;
Sa leeg ng dalaga'y lunas sa dusa't
Ginhawa ng kaluluwa.

Sampagita, ikaw ay isang hiwaga
Aliw ng bawat puso, na tuwina'y may luha
Kawangis mo'y isang mayuming diwata,
Sa puso ay may "oo" ngunit labi'y di maisangla.

Bulaklak kang puri at dangal ng lahi,
Sa hardin nitong bayan ay namumukod-tangi!
Asahan mong kapag ikaw ay inaglahi
Lupa mong sinilanga'y magtatangol
sukdulang masawi.

See also