Tuloy, Kabataan,
buksan mo ang pinto ng Kasalukuyan,
hasain ang isip ng Katalinuhan,
hanapin ang Bukas,
ang Bukas ng iyong gintong Kapalaran.
Sa bulwagang marmol ng Kadakilaan s
ikaping magtayo ng sariling ngalan.
Tuloy, Kabataan,
buksan mo ang aklat ng agham at sining
at sa iyong isip ay iyong malasin
ang buhay ng bayang sumubo sa lagim
maibangon lamang ang iyong mithiin.
Huwag mong talikdan ang ina't ama mo
na iyong katulong pagsukat sa mundo.
Tuloy, Kabataan,
iyong pagbutihin ang Ngayon ng iyong
dakilang hangarin,
kung magawa ito't ikaw'y buhay pa rin
harapin ang Bukas ng iyong Mithiin...
Magpakatatag ka sa iyong paglalakad
pagkat ang kaaway sa daa'y nagkalat.