Isang lalaki ang naglakbay mula Jerusalem patungong Jerico. Sa daan ay hinarang siya, pinagnakawan, hinubaran, binugbog, at iniwang halos wala nang buhay ng masasamang loob.
Isang pari ang napadaan kung saan nakahandusay ang lalaki. Ngunit nang makita niya ang lalaki, sa kabilang gilid ng daan siya lumakad.
Ganito rin ang ginawa ng isang napadaang Levite.
Isang Samaritanong naglalakbay ang napadaan at nang makita nito ang lalaki ay nakadama ito ng labis na pagkaawa. Nilapitan niya ang lalaki at tinulungan ito. Pinahiran niya ng langis at alak ang mga sugat ng lalaki at saka binendahan. Pagkatapos ay isinakay niya ito sa kanyang kabayo at dinala sa isang otel kung saan niya inalagaan ang wala pa ring malay na lalaki.
Kinabukasan, bago umalis ang Samaritano ay binigyan niya ng dalawang pilak ang namamahala sa otel at ipinagbiling alagaan ang lalaki.
"Alagaan mo siya at sa pagbabalik ko ay babayaran ko ang lahat ng magagastos mo sa kanya."