May dalawang lalaking nagtungo sa templo upang manalangin. Ang una ay ang pariseo at ang ikalawa ay ang kolektor ng buwis.
Tumayo nang tuwid ang pariseo at nagdasal.
"Nagpapasalamat po ako, Panginoon, na ako ay hindi sakim, mandaraya, at babaero na tulad ng iba. Nagpapasalamat ako na di ako tulad ng kolektor ng buwis na iyon. Nag-aayuno ako nang dalawang araw bawat linggo at ibinibigay ko sa iyo ang ika-sampung bahagi ng aking kinikita."
Ang kolektor ng buwis naman ang tumayo sa di-kalayuan at ni hindi maitaas ang kanyang mukha sa kalangitan. At habang nagdarasal nang taimtim, bahagyang pinapalo niya ang kanyang dibdib.
"Panginoon, maawa po kayo sa akin na isang makasalanan!"
"Sinasabi ko sa inyo," wika ni Jesus, "ang kolektor at hindi ang pariseo ang pakikinggan ng Diyos. Dahil ang sinumang itinataas ang sarili ay ibinababa, at ang ibinababa ang sarili ay siya namang itinataas."