Ang pagtatamo sa kaharian ng langit ay itinutulad sa pangyayari ukol sa sampung dalaga na naghihintay sa kanilang mapapangasawa. At sinabi ni Jesus, "Magbantay kayo, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras."
Lima sa mga dalaga'y matatalino at ang lima naman ay mga hangal.
Ang matatalinong dalaga ay nagbaon ng sobrang langis para sa kanilang mga lampara, samantalang ang mga hangal ay hindi.
Hindi agad dumating ang kanilang mapapangasawa at sa paghihintay, ang mga dalaga'y nakatulog. Nangagising sila nang hatinggabi na at narinig nila ang pagdating ng kanilang mga mapapangasawa. Nagsigayak sila sa pagsalubong. Inihanda na nila ang kanilang mga lampara. Ang mga hangal ay naubusan ng langis kaya't nanghingi sila sa matatalino. Ngunit ayon sa mga ito ay hindi sila mabibigyan ng langis sapagkat baka hindi magkasya para sa kanilang lahat ang kanilang baong langis.
Ang mga hangal ay nangagsialis upang bumili ng langis. Wala sila nang dumating ang kanilang mga mapapangasawa. Ang matatalinong nangakahanda ay sumamang magpakasal sa mga lalaki. At napinid na ang pinto pagkatapos.
Nang magsidating ang mga hangal na babae ay kinatok nila ang pinto at nakiusap, "Panginoon, Panginoon, kami po'y pagbuksan ninyo ng pinto."
"Hindi maaari! Hindi ko kayo nakikilala," ang narinig nilang sagot sa kanila.