Mga Salawikain - Page 16
Salawikain #106
Umilag sa baga, sa ningas nasugba.
Salawikain #107
Nang ang bagyo'y makaraan, saka pa mandin nagsuhay.
Salawikain #108
Ang hirati sa bahag, magsalawal ma'y aliswag.
Salawikain #109
Mayaman ka ma't marikit, mabuti sa pananamit,
kung walang sariling bait, walang halagang gahanip.
Salawikain #110
Ang mga balita'y bihira ang tapat,
magkatotoo ma'y marami ang dagdag.
Salawikain #111
Humukay ka ng balon bago ka mauhaw.
Salawikain #112
Kung sino ang malapit sa balon,
siyang laging nakaiinom.