Mga Salawikain - Page 19
Salawikain #127
Malaki man at kalog, daig ng munting batibot.
Salawikain #128
Ang batong buhay ay nauukit sa pinatak-patak ng tubig.
Salawikain #129
Ang batong buhay man pilit maaagnas
kung ang tubig na tutulo'y walang tigil sa pagpatak.
Salawikain #130
Ang bato'y hindi lalapit sa suso
kundi ang suso rin ang siyang manunuyo.
Salawikain #131
Batong buhay ka man na sakdal ng tigas,
sa patak ng tubig tiyak maaagnas.
Salawikain #132
Batong madalas ipatisod,
hindi paniniktan ng lumot.
Salawikain #133
Batumbuhay man na sakdal ng tigas,
sa ulang tikatik pilit naaagnas.