Mga Salawikain - Page 20

Salawikain #134
Dahan-dahan diwata...
baka ang talas mo'y sa bato tumama.
Salawikain #135
Huwag kang mangahas bumuhat ng siyam na bato,
kung manghihinayang madurog ang buto.
Salawikain #136
Huwag mong asahan sa iyo'y magbalik,
ang wikang sinabi't batong inihagis.
Salawikain #137
Matisod sa bato, huwag sa damo.
Salawikain #138
Hindi kilala ang bayani sa salita,
Kundi sa kanyang kilos at gawa.
Salawikain #139
Ang bibig ng ilog iyong masasarhan,
ang bibig ng tao'y di mo matatakpan.
Salawikain #140
Ang bibig na walang imik,
sa sino ma'y di babanggit.