Mga Salawikain - Page 25
Salawikain #169
Ang hinahawakang kayraming dalag,
karaniwang ito'y nakawawalang lahat.
Salawikain #170
Puring angkin, pakaingatang magaling, huwag papanganinagin.
Salawikain #171
Ang daliri man ng tao ay di pare-pareho.
Salawikain #172
Mabaho man ang daliri mo di mo maipalamon sa aso.
Salawikain #173
Magdamit man ng hari kung talagang hangal, mahahalata rin sa kilos at asal.
Salawikain #174
Ang nagdadamit ng hiram, parang hubad sa lansangan.
Salawikain #175
Ang dila'y parang patalim, kung sumugat ay mariin.