Ang dila ay hindi nga patalim ngunit kung sumugat ay mariin.
Salawikain #177
Ang dila'y sunod-sunurang alipin ng kalooban - Kung ang loob mo'y mainam, dila'y sakdal-katamisan; Kung ang budhi'y salanggapang, ang dila ay apdong tunay.
Salawikain #178
Ang lahat ng uri ng hayop ay napapaamo, ngunit ang dila ng tao'y hindi kailanman.
Salawikain #179
Ugali't salita, bulaklak ng dila ang paa na ang madulas, ang dila lamang ang huwag.
Salawikain #180
Sa Diyos ang awa, sa tao ang gawa.
Salawikain #181
May talaga rin ang Diyos, sa nasisirang paragos.
Salawikain #182
Masiyahan ka sa kaloob ng Diyos, at ang ligaya mo ay magiging lubos.