Mga Salawikain - Page 27
Salawikain #183
Magbalot ka man sa baklad, mamamatay din kung palad;
Mahanga pa'y ang tumanyag at sa Diyos ka tumawag.
Salawikain #184
Tumutulong ang Diyos sa tumutulong sa kanyang sarili.
Salawikain #185
Walang sa Diyos nanalig, na sumasapanganib.
Salawikain #186
Ang karununga'y sa pag-aaral;
ang kabaita'y sa katandaan.
Salawikain #187
Ang isip ay parang itak, sa hasa ay tumatalas.
Salawikain #188
Diwa't isip ng tao ay balaraw man din,
kung hindi ihasa ay hindi tatalim.
Salawikain #189
Kung ibig ng karunungan, habang bata ay mag-aral;
Kung tumanda, mag-aral man, mahirap nang makaalam.