Mga Salawikain - Page 28
Salawikain #190
Kung ano ang gawa, ay siyang hinala.
Kung ano ang gawi,ay siyang ugali.
Salawikain #191
Ako ang nagbayo,
Ako ang nagsaing,
Saka nang maluto'y
Iba ang kumain.
Salawikain #192
Bago ka magluto ay iyong alamin,
kung may nakahandang panahog at asin.
Salawikain #193
Isa man at sampak, daig ang makaapat.
Salawikain #194
Kapag hindi nakasira, ay hindi makabubuo.
Salawikain #195
Di lahat ng kumikinang ay tunay na gintong lantay.
Salawikain #196
Kapag ang nauuna'y tamis, ang nahuhuli'y pait.