Mga Salawikain - Page 30
Salawikain #204
Sa isang pugad ng itlog ay di nawawalan ng bugok.
Salawikain #205
Ang taong mapanaghili,
sa kayamanan at ari,
ay hindi luluwalhati,
sa hirap, sakit lalagi.
Salawikain #206
Ang nagtatanong ng laman ng palayok ng iba
napagkikilalang walang laman ang kanya.
Salawikain #207
Hindi mo dapat asahan ang pangako ng kaaway.
Salawikain #208
Kung sino ang bantay ay siyang sasalakay.
Salawikain #209
Ang kabayo'y tumataba, sa mata ng nag-aalaga.
Salawikain #210
Ang kabayo'y bigyan mo man ng asukal at tinapay,
iya'y hindi rin titikman, at ang ibig di'y ang kumpay.