Mga Salawikain - Page 31
Salawikain #211
Ang kabayong tumatakbo, huwag mong pigili't di iyo.
Salawikain #212
Ang kabayo mo'y matuli't pagkainam-inam
habang wala pang kapareha at hindi pa nalalaban.
Salawikain #213
Ang sumakay sa kabayo, kabayo na pati;
sa tulin ng takbo'y damay ang sarili.
Salawikain #214
Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?
Salawikain #215
Kung saan nakasuga ang kabayo, doon ito kakain ng damo.
Salawikain #216
Walang simarong kabayo sa mabuting mangutsero.
Salawikain #217
Lumilipas ang kagandahan ngunit hindi ang kabutihan.