Mga Salawikain - Page 32
Salawikain #218
Gandang walang tikas ay tulad ng bulaklak na walang halimuyak.
Salawikain #219
May magandang nakayayamot, may pangit na nakalulugod.
Salawikain #220
Sa umaga ang bulaklak, marikit at anong dilag!
Sa hapon, lanta't kupas.
Salawikain #221
Walang kagandahang di may kapintasan.
Salawikain #222
Ang ibinabait ng bata sa matanda nagmumula.
Salawikain #223
Ang magandang asal ay kaban ng kayamanan.
Salawikain #224
Ang tumatawid nang walang panunuluyan ay isang
kapangahasan, ang bunga'y tagumpay o kapariwaraan.