Mga Salawikain - Page 33
Salawikain #225
Di man magsabi't magbadya, sa anyo makikilala.
Salawikain #226
Huwag kang humagis, nang di ka hagisin.
Ang masama sa iyo, sa iba'y gayon din.
Salawikain #227
Huwag kang mahiyang magbigay ng kaunti,
pagka't lalong masama kung di ka magbigay ng anuman.
Salawikain #228
Kung ikaw ay napakalambot ay mapipilipit ka agad,
at kung ikaw nama'y tuyot ay mababakli kaagad.
Salawikain #229
Laking kahidwaan! Kung alin pa ang kapos ay siyang nagpuputol,
kung alin ang mahaba'y siyang nagdurugtong.
Salawikain #230
Mahanga'y iwa ng bakal.
Ang sa aki'y makamatay,
Huwag ang wikang mahalay,
Puri't buhay ay karamay.
Salawikain #231
Mayaman ka ma't marikit,
mabuti sa pananamit,
kung walang sariling bait,
walang halagang gahanip.