Mga Salawikain - Page 34
Salawikain #232
Naghahanap ng pangaral,
kutya ang natagpuan.
Salawikain #233
Walang sagana sa batid
na sa gawa'y di nalihis.
Salawikain #234
Ang mahinhing dalaga, sa kilos nakikilala.
Salawikain #235
Ang kahoy ay latok man,
nagmumukha ring mainam,
kapag napalamutian.
Salawikain #236
Ang ningas ng apoy, nasa uri ng kahoy.
Salawikain #237
Ang kahoy na naging baga pariktan ma'y madali na.
Salawikain #238
Ang kahoy na liko't baluktot,
hutukin hanggang malambot,
kung lumaki at tumayog,
mahirap na ang paghutok.