Mga Salawikain - Page 35
Salawikain #239
Kung ano ang kahoy ay siyang tatal.
Salawikain #240
Kahoy mang babad sa tubig,
sa apoy ay huwag ilapit,
pag nadarang sa init,
sapilitang magdirikit.
Salawikain #241
Hindi maihahapay ang kahoy na puputulin,
kung iaamba nang iaamba at di tuluyang tatagain.
Salawikain #242
Ang kahirapa'y di kasalanan.
Salawikain #243
Kung giginhawa nga't tungong naninimdim.
Mabuti pa'y dukha na taas ang tingin.
Salawikain #244
Kung nais mong kumain ng masarap,
Huwag manghinayang sa kwarta mong hawak.
Salawikain #245
Ang pilak mo man ay isang kaban,
Ang ginto mo man ay isang tapayan,
Kung wala ka namang kaibigan
Ay wala ka ring kabuluhan.