Mga Salawikain - Page 38
Salawikain #260
Talik ng kaibiga'y maaaring kataksilan.
Salawikain #261
Ang kalabaw suotan man ng abito ay kalabaw
at kalabaw ri't hindi magbabago.
Salawikain #262
Ang matandang kalabaw ay humahanap ng murang damo.
Salawikain #263
Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.
Salawikain #264
Mahalin man ang kalabaw, lulublob din sa putikan.
Salawikain #265
Sa matandang kalabaw, murang damo ang bagay.
Salawikain #266
Tumatanda ang kalabaw, tumutulis ang sungay.