Mga Salawikain - Page 44
Salawikain #302
Bulang tubig ang kapara, nawawala kapagdaka.
Salawikain #303
Habang maiksi pa ang kumot, magtiis na mamaluktot;
Kung humaba na at lumapad saka na mag-unat-unat.
Salawikain #304
Huwag kang makipaglaro sa kuting, nang hindi ka kalmutin.
Salawikain #305
Kapag maghilamos ang kuting,
May panauhing darating.
Salawikain #306
Saan kakain ang kuto, kundi sa ulo?
Salawikain #307
Walang masamang kabayo sa mabuting mangutsero.
Salawikain #308
Ang bahay man ay bato kung ang laman ay kuwago;
mabuti na ang kubo na ang nakatira'y tao.