Mga Salawikain - Page 45

Salawikain #309
Nakikilala sa labi, ang palanganga't hindi.
Salawikain #310
Kapag sama ang itinanim, lagim ang aanihin.
Salawikain #311
Ang lumalakad nang matulin kung matinik ay malalim;
Ang lumalakad ng marahan, matinik man ay mababaw.
Salawikain #312
Ano man ang iyong lakas, daig ka ng munting lagnat.
Salawikain #313
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
Sa bait, sa muni't sa-hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
Habag ng magulang sa irog ng anak.
(Balagtas)
Salawikain #314
Kung nasaan ang asukal,
Naroroon ang langgam.
Salawikain #315
Ang lason mang nakamamatay,
Nagiging lunas din kung minsan.