Mga Salawikain - Page 46
Salawikain #316
Kapag aali-aligid ang lawin,
Tangkang may daragitin.
Salawikain #317
Ang leon ay leon din,
kahit ang kuko'y gupitin
at ang balat ay ahitan;
at ang aso ay aso rin
kahit ang kuko'y pahabain
at gumamit ng gintong kolyar.
Salawikain #318
Ang maagap daig ang masipag.
Salawikain #319
Daig ng agap ang tiyaga.
Salawikain #320
Masisi na sa agap, huwag lamang sa kupad.
Salawikain #321
Sa inahing mapagkupkop, di man anak sumusukob.
Salawikain #322
Ang inahing mapamupog ang anak ay sumasabog