Sa taguring bunso't likong pagmamahal ang isinasama ng bata'y nunukal; Ang iba'y marahil sa kapabayaan ng dapat magturong tamad na magulang. (Balagtas)
Salawikain #324
Ang pag-aanak ay walang kabuluhan kung ang magiging bunga'y palalabuyin lamang.
Salawikain #325
Kapagka nanggaling ang labo sa hulo, magpahanggang wawa ay abot ang labo.
Salawikain #326
Ang magulang na masama, kapag nagkaanak ng mabuti ay isang himala.
Salawikain #327
Pag-ibig anaki'y aking nakilala di dapat palakhin ang bata sa saya. At sa katuwaa'y kapag namihasa kung lumaki'y walang hihinting ginhawa. (Balagtas)
Salawikain #328
Ang sinungaling at bulaan ay kapatid ng magnanakaw