Mga Salawikain - Page 50
Salawikain #344
Tinatawanan ng matsing ang buntot ng baka
Bago'y hindi alam na may buntot din siya.
Salawikain #345
Ang mag-asawang walang bunga,
parang kahoy na walang sanga.
Salawikain #346
Ang sa babaeng hiyas ang sa puri'y pag-iingat;
At ito'y siyang tumpak sa dalaga ma't sa kabiyak.
Salawikain #347
Ang huni ng ibong kilyawan sa itaas ng kawayan
kapag asawa'y hantad kung magmahal
malimit na ito'y pakitang tao lang.
Salawikain #348
Ang huni ng ibong tikling sa itaas ng balimbing,
kapag ang asawa'y labis kung maglambing mag-ingat ka,
pare't puso'y kabilanin.
Salawikain #349
Ang huni ng kilyawan sa itaas ng katuray,
kapag ang lalaki'y pinaglililuhan,
kwelyo ng baro niya'y nagiging maluwang.
Salawikain #350
Ang huni ng karpintero sa itaas ng mabulo,
kulang palad si Alejo, nilagyan ng agiw sa ulo!