Mga Salawikain - Page 55
Salawikain #379
Walang humipo ng palayok na hindi naulingan.
Salawikain #380
Ang parating inaambil, ang pangadyi't panalangin.
Ang salitang mataimtim, sa minsana'y tumitiim.
Salawikain #381
Hindi ngayo't pumapasok sa simbahan,
ituturing mo nang nagpapakabanal.
Salawikain #382
Walang nangyayari sa balat ng lupa nang di may kagalingang Kaniyang ninanasa.
(Balagtas)
Salawikain #383
Ang dalanging ino-oras-oras kadalasa'y hindi wagas:
Buti pa ang minsang mataimtim, tumataos sa damdamin.
Salawikain #384
Makakakuha naman ng lutong ulam
Bakit malasado ang pagtitiisan?
Salawikain #385
Ang di lumilingon sa pinanggalingan di makararating sa paroroonan.