Mga Salawikain - Page 58
Salawikain #400
Walang hindi madadaig ng hinhin at pagtitiis.
Salawikain #401
Walang taong sakdal-timpi sa masakit na aglahi.
Salawikain #402
Pag may hirap, may ginhawa.
Salawikain #403
May tawang nakagagalak;
May tawang nakalilibak.
Salawikain #404
Aanhin ang sarong ginto,
na nakatutuyo ng dugo,
mahanga'y sarong tabo,
na makapananariwa ng puso.
Salawikain #405
Itong may uling sa mukha
uwak ang kahalimbawa
uwak uwak kung mag-wika
bago uwak din sa kapwa.
Salawikain #406
Nagsasabi ang matatanda ng kanilang nakita,
at ang mga bata naman ng mga narinig nila.