Mga Salawikain - Page 59
Salawikain #407
Sa tinipak-tipak ng munting palakol,
nakabubuwal din ng malaking kahoy.
Salawikain #408
Ang palay ay hindi lalapit sa manok.
Salawikain #409
Ang palayok kahit anong tibay
Huwag ibabangga sa tapayan.
Salawikain #410
Sumala ang sandok sa palayok,
Iba ang nadukot.
Salawikain #411
Sasala ba ang sandok sa palayok?
Salawikain #412
Walang palayok na di may kasukat na tungtong.
Salawikain #413
Ang sandaling may kabuluhan,
daig ang sangtaong walang kasaysayan.