Isang sumamang babae, na sa bisyo ay mawili; ay hindi mapaiigi ng kahit sampung lalaking uliran sa dilang buti. Ngunit ang sampung pusakal na lalaki sa kasamaan; napapagbagong buhay sa taimtim na pangaral ng isang babaeng banal.
Salawikain #429
Ang sa patalim nabubuhay sa patalim din namamatay.
Salawikain #430
Aanhin ko ang kumain sa pinggang ginto, Kung pasusukahin naman ako ng dugo.
Salawikain #431
Pintong hindi nakapinid, labas-pasukin ng may-ibig.
Salawikain #432
Sa isang pintong masarhan ay sampu ang mabubuksan.
Salawikain #433
Walang masamang pluma sa mabuting sumulat.
Salawikain #434
Anumang haba ng prusisyon, sa simbahan din ang urong.