Mga Salawikain - Page 63
Salawikain #435
Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.
Salawikain #436
Walang mailap na pugo, sa matiyagang manilo.
Salawikain #437
Mabuti ang isang buhay na pulubi kaysa sa nakalibing na hari.
Salawikain #438
Ang kahoy hanggang mura'y naitutuwid mong parang kandila;
Kung lumaki at tumanda, tuwirin mo't masisira.
Salawikain #439
Ang kahoy kung liko't baluktot
Hutukin hanggang malambot;
Kung lumaki at tumayog, mahirap na ang paghutok.
Salawikain #440
Ang kahoy, hangga't sariwa, may dumadaloy na dagta.
Salawikain #441
Baging akong kalatkat, kaya ako tumaas sa punungkahoy yumakap nakinabang ng lakas.